<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/4890321221034610484?origin\x3dhttp://vanidosa.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

LP 55 "Tulay"

Thursday, April 30, 2009

Heto ang aking lahok sa tema ng Litratong Pinoy


Kung di pa ako naging Punong Barangay ay di ko pa malalaman at makikita ng aking dalawang mata ang kahirapang nababalot sa ilalim ng tulay ng Lambingan. Ang Lambingan Bridge ay nadadaanan galing Sta. Ana papuntang Mandaluyong at vice versa. Hindi ko inakalang may mga nakatirang mga kapuspalad na mamamayan sa karatig barangay ko. Inyo pong pagmasdan.


Photobucket
Yan ang tanawin sa ilalim ng Tulay Lambingan
Photobucket
Si Chairman sa ilalim ng Tulay

Kabaliktaran naman ang marangya at pamosong tulay na ito, pakisilip po.

Labels: ,

LP 45 - Puso (Hugis Puso)

Thursday, February 12, 2009



Paborito ko ang Tiffany. Ang pulseras sa itaas ay matagal ko ng gamit pang araw-araw sa humigit kumulang sa apat na taon na at laking tuwa ko ng makahanap ako at makabili ng ka terno nito.

Yes! I'm a certified Tiffany lover. If I'm not mistaken, I've been using this bracelet for about 4 years already and glad to have found it's perfect matching necklace right before my birthday.


Labels:

LP 44 - Tsokolate

Thursday, February 5, 2009

LITRATONG PINOY
Photobucket

Superior 9 Eyes Dzi with Faceted 8 Shaped Citrine Bracelet

Kakaiba po ang aking lahok, kulay tsokolate nga lang po, di makakain ngunit maaring makapag bigay ng swerte sa atin. Di po ako Chinoy pero isang Christiano na nagbabaka sakaling swertehin. Wala naman pong masama di ba? Naki umpok po ako sa mga ilang tao dun sa SM Manila ng kami'y manggaling sa City Hall at eto ang nirecommenda ng nagtitinda at ito daw ngayon ang pinaka mabili sa year of the Ox. Di po mahal yan, 300 pesos lang po. Pinasadya ko po itong may kasamang Tigers's Eye. Sinama ko na pong isinabit yang 8 Shaped Charm na yan para di na daladalawa pa ang aking suot. Ang sumusunod na talata ay di po translation, hango po ito sa aking pag sesurf kung ano ba talaga ang dulot ng pulseras na ito.

"DZi bracelet with genuine citrine and multicolor agate is suitable for those who wants to optimize career, wealth and personal life effectiveness. Today, almost all feng shui enthusiasts are craving to have his own 9 eyes dZi for all kinds of good fortune, divine protection, good health, wealth, prosperity from heaven, double longevity, victory over foes, windfall luck and ultimate good luck; protected by the Buddha's eyes. This DZI will enable the wearer to gain power and influence. 9 Eyes dZi brings the most complete blessings, which helps to remove negative sins and dissolves all obstacles and blockages along your path. It could also protect the wearer against all kinds of misfortune and harm from evil. This fanciful design of the faceted donut citrine strung into "8-shape" symbolizes wealth luck for Period 8 (2004-2024). When strung with 9 Eyes Dzi, this kind of wealth luck is believed to multiply by 9 times further. Also provides a cleansing effect and eliminate dysfunctional energies. It also encourages family harmony and promotes marital fidelity."

fengshui

Labels: ,

Freestyle (LP 39)

Friday, January 2, 2009

Kadiliman

Thursday, October 30, 2008

Photobucket
Ito ang hatid ng Kadiliman
Photobucket


Nailathala ko na ito noong isang taon ngunit nais ko paring ibahagi ito lalo’t angkop na angkop ito ngayong kapanahunan ng Halloween at sa tema ngayong linggo ng Litratong Pinoy. Ako ang isang taong di basta bastanng naniniwala sa multo o mga kababalaghang karugtong nito. Paki sundan nalang po ang mga ito upang inyong ganap na maunawaan. http://vanidosa.blogspot.com/2007/08/ghost-hunting.html
Ano sa palagay niyo? Kayo na po ang bahalang humusga.

Labels:

A different kind of Light

Wednesday, October 22, 2008

Eto na naman ako sumusulpot at muling nakikisali sa Litratong Pinoy ganoong napakatagal na yata ng huli kong lahok. Sana maunawaan niyo ako sa sobrang kaabalahan ko ay lagi ko ng nalilimutan na Hwebes pala ang araw ng LP. Lagi nalamang akong humihingi ng paumanhin tuwing maglalathala ako ng aking lahok. Pasensya na po.

Liwanag ang tema ng LP ngayon ngunit wala man kayong makitang liwanag o ilaw sa lahok kong ito. Itong aklat namang ito ay makapagbibigay ng ibang uri ng liwanag sa spiritual na buhay ng bawa’t isa sa atin. Dito nakatala ang mga salita at pangaral ni Jesukristo (gayun din ng ibang mangangaral at mga Propeta) na siyang magbibigay ng kakaibang liwanag.

Heto pa ang hiling na liwanag http://www.mariegvergara.com/?p=493

English Translation

Here I go again posting an entry for LP and always asking for apologies since my last entry seemed to be ages ago. Light or illumination is today's LP theme. You may not seem to see the theme in this photo of mine but I can say that there's a different light that this magnicent book can offer each one of us - Spiritual Light.

Labels: ,

LP - Puti at Itim

Thursday, September 25, 2008


Photobucket
"Ang Pagbabalik"
Ilang Hwebes narin akong naka liban sa pagsali dito sa Litratong Pinoy sa kadahilanang lagi akong abala, dili kaya ay huli na kung aking maisip at minsan ay may karamdaman. Tiyempo naman ngayong araw na ito ang aking nadampot sa aparador upang isuoot kaya di narin ako nahirapang pumili ng aking lahok sa linggong ito kahit hindi masyadong malinaw ang pagkakuha nito.
It has been several Thursdays since I failed to post my weekly entries for Litratong Pinoy because of several reasons like being busy, late and sometimes not feeling well. I didn't have a hard time figuring out what my entry for Black & White theme since the top I'm wearin today answers LP's theme.

Labels:

Liwaliw (to roam leisurely)

Thursday, August 14, 2008

Click to enlarge images

"Huli man daw at magaling, huli pa rin." Nahihiya man ako sa mga sumusunod : iRonnie, Lino, keith, pinky ,jeprocks. Ms. LP, Jenn, komski, pati na rin sa pinsan kong si Girlie na pawang mga LITRATISTANG PINOYS dahil napaka huli na ng aking post tungkol sa aming pagkikita (EB) sa kadahilanang sobra akong abala ng mga nakalipas na mga araw.

Heto na ang aking lahok sa temang liwaliw namin noong Sabado, ika 9 ng Agosto sa Intramuros - Manila Cathedral, Fort Santiago, San Agustin Church at Luneta Park.

I was quite late posting this entry because I was preoccuppied with so many things the past days so here are the photos of our EB last Saturday, August 9, while leisurely roaming around Philippine historical places of Intramuros and the Luneta Park where the Monument of our National hero stands.




Labels: ,

LP#9 Ihip ng Hangin

Thursday, May 29, 2008



Kuha ito noong nakaraang dalawang linggo lamang ng mag sagala ang aking apong si Nadine sa kanyang pararalang O.B. MOntessori Center. Ito ay ginanap sa Roxas Blvd. Kasalukuyang may bagyo noong mga araw na iyon ngunit sa oras na iyon ay di naman bumagsak ang ulan bagkus ay ang sariwang hanging humahampas sa dalampasigan. Presko ang dating ng hapong iyo at ang anak kong si Queenie ay masayang ninanamnam ang ihip ng hangin.

This photo was 2 weeks ago when my grandaughter Nadine was among the participants in her school's Mayflower festivities. The weather proved to be stormy that time but luckily there was no rainfall but a refreshing windy atmosphere which my daughter Queenie enjoyed.


ETO PA PO ANG ISANG LAHOK KO

Labels: ,

Litratong Pinoy - Mahal na Ina

Friday, May 9, 2008



Our Lady of the Abandoned, the Patron Saint of Sta. Ana, Manila whose Town Fiesta is celebrated every 12 of May.

Excited pa naman ako tuwing dumarating ang Hwebes sa dahilang lagi akong nakahanda para lumahok sa Litratong Pinoy. Ngunit sa totoo lang dahil sa lakas ng ulan kagabi ay nagluko ang konektion ng aming internet kaya mukhang huli na yata ako. Ngunit may kasabihang “huli man daw at magaling, huli parin!”

Eto ang larawan para sa temang Ina. Siya ay ang Nuestra Senora delos Desamparados o Ang Inang Mapag Ampon. Siya ay ang Patron ng aming lugar na Sta. Ana sa Maynila na kung saan ang Kapistahan ay sa darating na Mayo 12. Sige po, lahat kayo ay aking inaanyayahan ngunit do ko sagot ang pamasahe niyo ha? Napaka raming programang pumasok ng Abril pa lamang sa paghahanda para sa Kapistahang ito kaya ang Inyong lingkod na si Kapitana ay laging abala sa Imbitasyon ng Simbahang Katoliko. Nakarating siya sa aming barangay at natulog ng magdamag sa isang bahay dito nang kanyang ikutin ang 19 barangays ng Sta. Ana na tinawag na “Dalaw ni Maria”at kami ang kahulihulihan bago siya ibinalik sa simbahan. Sakop po ng aking barangay ang simbahan kaya kami ang pinaka huli niyang dinalaw. Isa lang po yan sa mga aktibidades na aking nailahad bukod sa Konsyerto sa Simbahan at maraming misa na kinasangkutan ng inyong lingkod. Tinatamad nap o akong magsalin sa Ingles kaya lalagyan ko nalang ng description sa ilalim ng larawan.

Labels: