Litratong Pinoy - Mahal na Ina
Friday, May 9, 2008
Eto ang larawan para sa temang Ina. Siya ay ang Nuestra Senora delos Desamparados o Ang Inang Mapag Ampon. Siya ay ang Patron ng aming lugar na Sta. Ana sa Maynila na kung saan ang Kapistahan ay sa darating na Mayo 12. Sige po, lahat kayo ay aking inaanyayahan ngunit do ko sagot ang pamasahe niyo ha? Napaka raming programang pumasok ng Abril pa lamang sa paghahanda para sa Kapistahang ito kaya ang Inyong lingkod na si Kapitana ay laging abala sa Imbitasyon ng Simbahang Katoliko. Nakarating siya sa aming barangay at natulog ng magdamag sa isang bahay dito nang kanyang ikutin ang 19 barangays ng Sta. Ana na tinawag na “Dalaw ni Maria”at kami ang kahulihulihan bago siya ibinalik sa simbahan. Sakop po ng aking barangay ang simbahan kaya kami ang pinaka huli niyang dinalaw. Isa lang po yan sa mga aktibidades na aking nailahad bukod sa Konsyerto sa Simbahan at maraming misa na kinasangkutan ng inyong lingkod. Tinatamad nap o akong magsalin sa Ingles kaya lalagyan ko nalang ng description sa ilalim ng larawan.
Labels: Litratong Pinoy