<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/4890321221034610484?origin\x3dhttp://vanidosa.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Mga paninira laban sa inyong lingkod...Please read

Monday, May 31, 2010

Maaga pa para mangampanya o manira at ako ay batikusin. Hindi pa sigurado kung matutuloy ang nakatagdang eleksyon ng Barangay sa darating na Oktubre 25, 2010. Ayon sa aking mga impormantes, ang mga sumusunod ay ang mga batikos laban sa akin at ang aking kasagutan sa mga paninirang ito:

1. Ako daw po ay nagpa dyaryo at doon ay aking isinaad na ako daw o ang nagpagawa ng barangay hall at streetlights sa aming barangay. Inaangkin ko daw po ang mga nakaraang mga proyekto.

Sagot: Unang una ay hindi ako bumayad ng ano mga dyaryo upang magpa interview. Kusa po akong pinuntahan ng peryodista ng People’s Tonight at hingan ng konting panayam sa mga nagawa ko ng ako’y nagsisimula pa lamang. Hindi ko pinagawa ang Barangay Hall. Noong datnan ko ito, napaka rumi at masikip ang naturang gusali dahil sa ginawa itong tambakan ng mga kung ano anong mga basura at gamit ng tanod na nagsisitulog doon. Ang tambakan ay pinaayos ko at ngayo’y isa ng munti at maayos na silid at mistulang opisina ko. “Don’t I deserve a decent and clean space?” Natatandaan ko pong hiningi pa nga ng dating Chairman ang kahoy na baul sa loob ng silid pagkatapos kong maipagawa ang silid. Ang sagot kong ito ay maaaring patunayan ng maraming taong nakakita ng barangay hall bago at matapos ko itong ipaayos. Ang labas naman po ay pinapinturahan at nilagyan ng mga pangalan ng buong konseho. Mali ba ito? Bakit di niyo nakikita na may computer na ngayon sa loob at Television set with DVD, sound system, maraming silya at tatlong lamesa at iba pang mga gamit na pwedeng mahiram ng mga kabarangay natin. Isang sirang computer ang nadatnan ko noon at iba pang mga basura. In fact, there was no proper turn-over made by the Chairman and the previous Council members.

2. Noong naglakbay ang mga Chairman sa China para sa isang Seminar, bumili daw ako ng P38,000.00 worth na bag.

Sagot: What are you trying to implore here? Na kaya ako nakabili ng ganung kamahal na bag ay sa dahilang ninanakaw ko ang KARAMPOT na pondo ng barangay na kulang pa kung ibubuhos ko lang lahat ng serbisyo at proyektong sa lalo pang ikagaganda nito although sa totoo lang ay gumagasta rin ang aking pamilya lalo na ang aking biyenan na handa laging magbigay sa hingi ko bukod pa sa mga sariling pera kong ginagasta. Sa inyong impormasyon, hindi pa ako Chairman ng Barangay na ito ay nakakabili na ako ng aking luho hindi lang mga branded bags, sapatos at mga magagarang damit. O, bakit walang naka balita na ako’y bumibili rin sa ukay-ukay sa Baguio?


3. Na ako daw po ay maarte at may yaya pa na taga payong.


Sagot: Ano ba ang masama dito? Pwede po kayong mag apply na unipormadong yaya at taga payong ko tutal kulang ako ng isa pang katulong ngayon. Huwag po naman niyo akong gawing miserable at mukhang basahan. Huwag niyo akong baguhin sa paraang di ko kakayanin at baguhin ang personalidad na di ako! Hindi ako para magpaka plastic.

4. Nagparehistro daw ako ng maraming tao.

Sagot: Wala akong karapatang mamilit ng mga taong gustong matamasa ang mga biyaya ng Barangay. Unang una, ang opisina namin ay kinabibilangan ng mga tauhan naming nagtatrabaho at stay-in mula Lunes hanggang Sabado. Lamang pa ang mga araw ng pananatili nila dito kesa sa mga sari sarili nilang bahay. Ang mga kasambahay namin ay mas marami pa sa amin. Kung dipo niyo alam ang mga anak ko at mga apo ay may sarisariling yaya. May mga boy kami at driver at kami ay apat na pamilya sa stretch naming apartment/residential units. O sige bilangin niyo.

5. Nakulong daw po ako noong nakaraang National and Local Election sa kadahilanang di ko alam.

Sagot: Wala po itong katotohanan. Sa bahay po ako nagkulong!


Sa palagay ko po ay marami pang ibang paninira na walang basehan na patuloy akong uulanin. Paki tingnan ang bright side, yung mga pagbabagong nangyari. Hiling ko lang po ang ako sana’y harapin niyo at huwag saksaking patalikod.

Marina G. Vergara
Ang inyong magandang Chairman

Labels: