<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/4890321221034610484?origin\x3dhttp://vanidosa.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

State of the Barangay Address (SOBA) March 28, 2010

Monday, April 12, 2010








STATE OF THE BARANGAY ADDRESS



Magandang umaga po sa inyong lahat mga minamahal kong Kabarangay. Una po sa lahat ay nais kong magpasalamat sa konting panahon na inilaan ninyo para sa assembliyang ito, Narito po ako sa inyong harapan upang magbigay ng mga kagampanan, (accomplishments) mga pangyayari, mga proyektong naisakatuparan gayundin po ang mga suliraning kinakaharap ng ating Barangay mula po noong Oktubre, 2009 hanggang Pebrero ng taong kasalukuyan. At Ang ulat Financial naman po ay laging handa pong ipakita sa inyo ano mang oras na inyong hilingin sa ating Ingat-Yaman Belen C. Amatorio

Nais ko pong iulat sa inyo ang mga sumusunod:

Paglilinis ng kapaligiran Clean-up Drive
Paglilinis ng mga kanal at estero (Declogging)
Pamimigay ng mga bigas noong bagyong Ondoy
Pagpapapintura ng mga bangketa at poste
Pagpapalit at paglalagay ng mga Christmas Lights at iba pang palamuti noong Kapaskuhan
Feeding and Nutrition Program sa mga bata
Christmas Childrens Party
Pamimigay ng konting regalo sa mga bata at mga di masyadong nakaaangat sa buhay noong Kapaskuhan
Team Buildingng Barangay Council sa Tagaytay
Medical Mission
Fitness (Aerobics) Program

Nakakagalak po namang makita ang maraming pagbabago sa ating kapaligiran. Sa kabilang banda may lungkot din pong magilan-ngilan dahil po sa mga batikos at puna na sa di maiiwasan ay naka bibigat din po ng kalooban. May mga taong pina-iiral lamang ang kanilang personal na damdamin na siyang dahilan upang hindi nila makita at “ma- appreciate” ang mga magandang pagbabago at kaayusan ng ating komunidad. Ganoon pa man, ang mahalaga ay ang mga serbisyo para sa kapakanan ng higit sa mga nakararami.



Ang suliranin sa basura ay patuloy nating gagawan ng paraan pati na rin po ang mga lugar na mapanghi. Tinatawagan ko po ng pansin ang bawat isa sa atin na tumulong sa ano mang paraan ng sa gayon ay malutas kung di man ay mabawasan ang mga nasabing suliranin.



Nahaharap ang kalahatan ng ating bansa sa problema ng tag-tuyot dala ng pagbabago ng panahon. Sa malasakit ng bawat isa sa atin gaya ng pagtitipid ng kuryente at tubig, ito ay magiging malaking tulong para maibsan ang suliraning ito.



Isang kasong kinasasangkutan ng ating barangay ang nais kong ilahad sa inyo laban sa karatig barangay 886 ni Punong Barangay Mario Mabozza. Ayon po kasi sa mapa ng MBB ang kanang bahagi po ng Begonia St. ay nasasakupan ng ating Barangay. Ayon naman po kay Punong Barangay Mario Mabozza nagkaroon daw po ng kasunduan ang mga nakaraang Punong Barangay ngunit hindi naka dokumento. Dinulog ko na po ang usaping ito sa Manila Barangay Bureau. Sa amin pong paghaharap na dalawa sa opisina ni Atty. Buan ay hindi po kami nagkasundo kaya po tuloy po ang kaso ng “Territorial Dispute” laban sa Barangay 886.



Sa akin pong pagtatapos ay nais ko pong ibahagi sa inyo ang isang palabas na magbibigay sa atin ng kaalaman tungkol po sa bagong pamamaraan ng pagboto sa darating na Election sa May 10, 2010 o ang Automated Voting Procedure. Atin pong panoorin.



Maraming salamat po sa inyong lahat.



MARINA G. VERGARA

Punong Barangay

Marso 28, 2010


Labels: