<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/4890321221034610484?origin\x3dhttp://vanidosa.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

State of the Barangay Address (SOBA) Oct. 17, 2009

Monday, October 19, 2009

We Chairmen together with the whole Council is required to conduct a Barangay Assembly semi-annually. It's a sort of a forum inviting all residents/constituents to attend wherein we lay down and report our accomplishments,to talk about problems of the community and ways to solve or improve our community life. The Chairman is required to deliver the state of the barangay during the past six months. Here's my SOBA

“SOBA” State of the Barangay Address

Magandang hapon po sa inyo mga kabarangay. Ako sampu ng aking konseho ay lubos na nagpapasalamat sa panahong inilaan niyo upang makadalo sa ika apat nating Barangay Assembly. Gaya po noong huli nating Assembliya noong Marso 28, kung saan aking inilahad ang mga kagampanan sa kalahatian ng taong 2008. Ngayon naman ay nais ko naman pong iulat ang mga proyektong naipatupad mula sa unang buwan hanggang sa kalahatian ng 2009, ang mga sumusunod.

1. Availability of Cedula (Community Tax Certificate);

2. Barangay Survey para sa talaan ng mga residenteng ating barangay;

3. Planning Session ng buong konseho na ginanap noong February 21, 2009;

4. Pagpapagawa ng mga Plant Boxes at pagtatanim ng mga sari-saring namumulaklak na halaman gaya ng suntan, dama de noche at caballero.

5. Team building ng mga Tanod at Konseho. Ang mga panauhing tagapagsalita ay sina Fortun Austria at Director James Padrilan ng DILG.

6. Lakbay Aral na pinamunuan ng namayapang kagawad Peter Celestine “Tin” Tinio noong Abril 22, 2009 sa Manila Zoo at Manila Ocean Park para sa mga bata;

7. Clean up drive on April 19, 2009 sabay testing ng ating barangay pondahan ng tubig ( fire truck):

8. Pagpapaskel ng Citizen Charter Chart.

9. Pakikilahok sa Earth Hour na sinuportahan ng 90% ng ating Barangay;

10. Pagpapapinta , hilamos at linis ng maliit na grotto sa harapan nina Robert at Tess Garcia maliban sa mukha ng rebulto ni Mama Mary;

11. Paglalagay ng mga banderitas para sa Kapistahan ng Sta Ana; palaro na inisponsor ng isang Konsehal at residente ng ating Barangay;

12. Taunang Santacruzan na pinamumunuan ng SK Chairman at kanyang Konseho;

13. Ang Pagpapasundot ng mga kanal “ declogging “ na naging palagiang ginagawa upang maiwasan ang pagbabara ng mga ito;

14. Pagbili ng mga Brgy. materials na katulad ng pala, plehe, flashlights at iba pang mga kagamitan.

15. Nagkaroon din po ng Voter’s Registration noong Hunyo 4-5, 2009 na inasistihan ng buong konseho;

16. Ang pagsasabit ng mga Bandila ng Pilipinas bago mag Hunyo 12, 2009 bago mag-Araw ng Kalayaan, at pagbibigay ng mga Barangay Trinity Card Application Form para sa inilalaan nilang diskwento sa mga serbisyo ng kanilang Ospital.


Sa puntong ito nais kong pasalamatan ang Diyos at hindi tayo matinding na apektuhan ng mga bagyong Ondoy at Pepeng. Nais ko po kayong paalalahanan na dapat lagi tayong maging handa sa ano mang mga kalamidad na darating sa atin. Ang naging malaking problema natin noon ay ang basura na di agad nakolekta. Akin lang pong pakiusap na ihiwalay natin ang mga nabubulok sa di nabubulok at huwag po nating ilalabas ang mga ito kung wala pa ang truck ng basura.


Sa kabutihang palad, wala naman po tayong problema sa mga kabarangay na lulong sa droga o mga nangangalakal nito.


At sa pagtatapos nito, nais ko po kayong paalalahanan na kung sino pa ang di pa nakakapag parehisto ay puede pa pong magpunta sa COMELEC hangang sa Oktubre 31, 2009, upang magpatala.


Maraming Salamat at Mabuhay ang Barangay 885!


Marina G. Vergara

Chairman


Labels: ,