SOBA (State of the Barangay Address)
Monday, March 30, 2009
Here's the SOBA I delivered before my constituents on our Barangay Assembly.
STATE OF THE BARANGAY ADDRESS (SOBA) Marso 28, 2009
Salamat Kagawad Lulu. Magandang hapon po sa inyong lahat at maraming salamat po sa oras na inyong ginugol para makiisa sa Assembliyang ito.
Isang taon at tatlong buwan napo akong nakaluklok bilang Punong Barangay ng Brgy. 885 at pangatlong Assembliya na po ito. Una po noong Marso at Disyembre, 2008.
Magmula po noong Hulyo hanggang Disyembre ng nakaraang taon ang mga sumusunod po ang MGA PROYEKTONG naitala at naipatupad ganoon din po ang mga pangyayaring naganap sa ating Barangay.
1. Ipinagdiwang ang Kapistahan ng Patron ng ating Barangay na si San Lorenzo de Brendici sa pamamagitan ng isang misa na ginanap sa harap ng G & S compound.
2. Nagkaroon po ng ineksyon ang ating mga alagang hayop laban sa mga rabies na maaring makasama sa ating mga alaga gayun din po sa mga taong makakasalamuha nito. Eto po ay inisponsor ni Konsehala Joy Dawis
3. Dengue Awareness Program na tinalakay sa ating
4. Pag isyu ng sedula.
5. Para sa kaalaman ng mga kinaukulan, pagpapaskel po ng mga bulletins, billboards, tarpaulins sa mga strategikong mga lugar kasama na po ang pagdidistribute ng mga dokumentong kinakailangan malaman ng mga naninirahan dito.
6. Libreng Blood Pressure Check-up tuwing Sabado at Linggo, 8:00-10 ng umaga sa Barangay Hall.
7. Meron napo tayong mga bagong monobloc na silya na dinagdag sa iilang natira noon.
8. Isang Masaya, may katatakutan ngunit isang makulay na Halloween Trick or Treat ang ginanap noong Oktubre 31, 2009, na nilahukan ng ating mga Kabataan at di mga Kabataang may mga pusong bata.
9. Sunod sunod na papapakain (Series of Feedings) para sa kalusugan n gating mga kabataan mula Octubrre hangggang Disyembre, 2008, upang maiwasan ang malnutrition.
10. Ipinagdiwang po ang anibersaryo ng unang taon ng aming pagkaka luklok ng 2007 Konseho ng Barangay sa pamamagitan ng isang matagumpay na Medical Mission kung saan nakapagbigay ng libreng bunot, salamat Kagawad Doc Alex, libreng medical consultation, BP check at Glucose (Blood sugar)test, libreng mga gamut. Umaasa kaming ito ay muling masusundan sa Hulyo tamang tama pos a pagdiriwang sa Kapistahan ng Patron ng Barangay.
11. Nagkaroon din po ng pamimigay ng mga munting regalo sa mga kapuspalad, Senior Citizens, Mga Lupon Tagapamayapa, SK Kagawad, Mga Tanod at iba pang nararapat handugan.
12. Isang Christmas Party para sa mga bata ang inisponsor n gating Kalihim si Lena Castillo.
13. Pagpapaayos ng drainage sa kanto ng Lamayan at Mortuary sa tulong ni Congressman Benny Abante, Jr.
Sa mga kaganapan pong nabanggit, may mga papuri na nais kong pasalamatan gayun din po ang mga batikos na nais ko parin pong pasalamatan. Alam ko pong sa abot ng aking kakayahan at sa tulong po ng aking konseho na nasa likuran ko at patuloy na sumosoporta, hindi ko pa rin po lubos na maibibigay ang lahat ng inyong kagustuhan at di lahat kayo ay makokontento at maibibigay ang lubos na kasiyahan ng LAHAT. Ganoon pa man ang mga pula at batikos ay siyang magtutulak sa akin upang magpatuloy sa lahat ng mga hakbanging tungo sa ikabubuti ng buong Barangay at ang mga papuri naman ay magiging inspirasyon sa aming paglilingkod.
Panghuli lamang po….. Nais ko lang pong ipa abot sa inyong lahat na hindi po ako si Superwoman ngunit sa tulong ninyong lahat ako ay di lamang magiging Superwoman bagkus Wonderwoman at Darna na rin!
Maraming Salamat mga Kabarangay!