<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/4890321221034610484?origin\x3dhttp://vanidosa.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

LP#11-Kalayaan

Thursday, June 12, 2008



Photobucket

(Ang larawang kuha sa itaas ay isa lamang representation ng tunay na kulungang aking nasaksihan pati na ang taong nakakulong doon. Di naman akmang kunan ko pa ng larawan ang pagkakataong ito.)

Nasaan ang katarungan?

Ano kaya ang inyong pakiramdam pag naka harap mo ang isang taong nakakulong ng walang sala at nasa harapan mong naka kapit at naka silip lamang sa rehas na umiiyak at nag susumamo sa iyong harapan at sumumpang wala siyang kasalanan? Madamdaming eksena di ba? Halos sumabog ang dibdib ko sa awa ng sa unang pagkakataon kong sumilip sa selda upang dalawin ang isang tauhan namin na ipinakulong ng isang walang awang tao. Ramdam ko ang init ng singaw ng selda habang siya ay aking kinakausap. Napaka kipot na wari mo sila's mga sardinas sa loob ng maliit na piitang iyon. Naroon ang takot na baka daw siya ay bugbugin sa loob kaya naman kinausap ko ang mga kapulisan upang siya ay maprotektahan. Kahit daw barilin siya o putulin ang kanyang mga kamay ay di daw talaga siya nagnakaw. Inaayos kong kasalukuyan upang siya ay mapyansahan. Bukas ay babalikan ko siya upang maipagtanggol ang sarili sa temporaryo kalayaan.

Where is justice?

What would you feel if a person infront of you crying and begging for help because he is being accused of a crime he didn't actually commit? My heart is bursting in pain and pity while feeling the heat coming out of the overcrowded cell. There's his fear of being mauled inside that's why I talked with all the policemen to give him ample protection to insure his safety. I'm working this out and hopefully have him bailed out by tomorrow so he can defend himself out of this temporary independence. How sad!

Labels: